Pinoy 911 – Manong Emergency lang po

This entry I posted last September 2009 from my multiply account, click here to view it. (if you still log in to your multiply acct)

Every time my schedule is 6am for my work in The Fort, I always had to wake up early in the morning, syempre para makarating on time considering na mejo malayo rin ang workplace ko from where I live.

One very early morning, sa jeep papuntang east avenue galing Vluna, biglang may 2 mamang pumara ng jeep galing sa tricycle sabi nung mama “Manong Emergency pahatid po sa East Ave”. Meron silang buhat na walang malay na binatilyo na I think about 14-15 y.o. Nilatag nila yung katawan nung bata sa gitna nung jeep. Gingising nila yung bata and they were saying na “Tol gising tol! Nawalan na nga tayo ng kapatid susunod ka pa?” Then sabi nung isa “Tol gising na si kuya ganyan din namatay nung naka inom nawalan ng malay”. Mejo nagulat ako kase sa itsura nung bata, hindi sya yung tipong nagpapakalango sa alak. Kaya sabi nung driver “Mga naka inom pala kayo eh, lasing lang yang bata”

Syempre out of my curiosity I asked “Bakit ho, ano nangyari?” Sabi nung pinaka matandang kasama nila, “Nag iinom po kami bigla nalang natumba ayaw nang gumising, tapos parang hindi na makahinga”. Nilapitan ko yung bata to check, amoy alak nga talaga. Sabi nung isa, “Doctor po ba kayo? Tingnan nyo naman po kung buhay pa.” Sabi ko, “Hindi po ako doktor”. When I checked for carotid pulse, meron naman I also felt na parang constricted yung throat and pagtingin ko sa chest parang aang bilis ng compression. Then after ilang seconds, nag seizure na yung bata. Yung dalawang kasama were shouting “Tol wag kang mamamtay ***ang Ina mo! kaya mo yan” Sabi ko sa driver Manong bilisan nyo pa para madala agad sa ER. Pag dating sa East Avenue Medical Center dali-dali nilang binuhat yung bata I just reminded them na ingatan yung ulo baka tumama sa dulo ng jeep pag hila. Ayun, sakto naman na salo yung ulo nung isang pasahero kase bigla hinila nung isa nilang kasama.

I didnt know what happened next after they brought the kid inside the ER. Sabi nalang nung Driver “Gago yan mga yan, iinom-inom tapos di pa la kaya.”

Hayy, dito lang sa pinas meron nyan! I just hope na naging maayos din yung bata nung dinala sa ospital. I mean whatever underlying condition he has that made his seizures maybe triggered by alcohol or what not, I just hope he’s in a better state now and lessons should also be learned.

Sabi nga ni manong driver – H’wag iinom pag hindi kaya! 😉

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s