Paskong-pasko na dito sa ER. Christmas lights at mga parol ay nakasabit sa paligid. Mas malamig na ang night shifts. Christmas break o New Year’s break? Yan ang kalimitang tanong ng mga nurses sa bawat isa.
Tuloy tuloy pa rin ang dating ng mga pasyente. Nahihilo, masakit ang tiyan, MVA, stroke, fever, chest pain – ilang lang sa mga chief complaints ng mga pasyente. Pa-minsan meron nag c-code blue.
Lagi ko ngang status sa foursquare and FB “It’s time to save lives”. And today It’s time to save lives in this ER for one last time. Yes, today is my last day of duty. Kumbaga sa teatro, it’s the curtain call – time to take the final bow.
Dito ko napatunayan na ang pagiging isang Nurse ay napakgandang tungkulin. Dito ko natutunan na mas ma-appreciate ang tunay na buhay. Na kahit gaano ka taas o kababa ang rango ng pasyente, pare-parehas din sila ng gustong mangyari, ang gumaling mula sa kanilang mga sakit.
Dito ko natutunan, na maging isang tunay na “resourceful” nurse. Na matutong sumabay sa tunay na kalagayan ng hospital. Kulang man o kumpleto ang mga gamit at gamot, kailangan pa rin maging magbigay ng “good nursing care”. Sabi nga nila “TLC”.
It renewed my faith in myself that I am indeed one true nurse.
Salamat PNP General Hospital sa halos dalawang taon ng pagkakataon na maging isang tunay na nurse sa ating mga kapulisan at sa kanilang mga dependents. They truly deserve a world-class healthcare. We may be one or two decades behind from those other hospitals, but I know someday we will be able to get there. Salamat!
This is Mark David E Guayco, BSN RN taking the final bow in PNPGH.